Overwhelmed pa rin ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Big Winner na si Ejay Falcon nang humarap siya sa presscon para sa Big Four noong June 10 sa 14th floor ng ELJ Building sa ABS-CBN compound. Ipinagkatiwala raw niya ang napanalunang P1-M cash prize sa kanyang stepfather na si Ka Erning, na nanalo rin ng P500,000 among the guardians sa loob ng Bahay ni Kuya.
"Si Papa na po ang bahala doon. Pagsasamahin po namin. Puwede rin po yung joint account kami," banggit ng 18-year-old binatang taga-Mindoro.
Pero noong si Ka Erning na ang tinanong, sinabi niya na ang perang napanalunan ni Ejay ay para sa kinabukasan ng anak at pagkakaroon ng sarili nitong pamilya sa darating na panahon.
TWO FATHERS. Ngayong may pera na si Ejay, wala ba siyang balak para makilala ang kanyang tunay na ama na nasa France?
"Sana po siya yung lalapit sa akin. Pero hindi ko na po siya hahanapin kasi kuntento na ako ngayon sa buhay ko ngayon," sagot ng binata.
Hindi raw alam ni Ejay kung nasaan ang tunay niyang ama na isang foreigner. Noong umalis daw kasi ang Mama niya sa kanila, si Ka Erning na ang nagpalaki sa kanya. Kay Ka Erning din ang Falcon na apelyidong ginagamit niya.
"Dati na po maganda ang relasyon namin ni Papa simula sa pagkabata," saad ni Ejay. "Hanggang ngayon, ganun pa rin po. Family po talaga. Nandun ang love, kumpleto. Pero nung nawala si Mama, na-broken [family] talaga."
Paano niya nalaman na hindi si Ka Erning ang tunay niyang ama?
"Nung pumunta po ako ng Manila, mga 15 years old ako. Sinabi po ng mama ko at mga kapatid niya," lahad niya.
TRUE PROMDI. May mga kumukuwestiyon naman sa pagiging probinsiyano ni Ejay. Hindi naman daw ito totoo dahil tumira raw siya sa Manila ng maraming taon.
"Three years po ako sa Manila," pag-amin ni Ejay. "Pero every three months, umuuwi po ako sa amin [sa Mindoro]. Nagtatagal po ako sa province. ‘Tapos ‘pag nandito sa Manila, hindi ako lumalabas ng bahay. Lumalabas, pero paminsan-minsan lang po. Kasi isa na po doon ay dahil wala akong pera."
Ano ang masasabi niya sa mga nag-aakusa sa kanya na hindi naman siya probinsyano?
"Para sa akin po, promdi pa rin ako. Yun nga po, nandito ako sa Manila. Pero pabalik-balik ako sa province."
Mas gusto ba niyang makilala bilang probinsiyano o Manileño?
"Kung saan po yung totoo, kasi promdi naman po talaga ako. Proud naman po ako na promdi ako. Pero gusto ko ring maging Manileño," sagot niya.
MANILA BOY. Bakit siya nagpunta ng Manila?
"Isinama po ako ng Mama ko dito. Mga fifteen po ako noon, fourth year high school. Nag-transfer po ako dito," lahad niya.
Saan nakatira ang mama niya dito sa Manila?
"Sa Pandacan, Manila po."
May iba na raw pamilya ang kanyang ina at may isa siyang kapatid dito. Ang kanyang ina raw ang umalis sa bahay nila sa Mindoro at pumunta ng Manila.
"Dito ako nagtapos ng high school sa Carlos P. Garcia [High School] po sa Pandacan. ‘Tapos umuwi ako sa province, one year ako doon. Then, bumalik ako ulit dito," kuwento ni Ejay.
Malayo pa raw sa Calapan, Mindoro, nakatira sina Ejay at Ka Erning. Pagkatapos niya ng high school, umuwi raw agad siya sa Mindoro para magbakasyon.
"After two months bumalik po ako dito [sa Manila], nag-college. Then nung nawalan ng trabaho ang mama ko, umuwi ako doon [Mindoro]. One year po ako doon. Kasi hindi na po ako nakakapag-aral."
Ano sana ang kukunin niyang kurso?
"HRM po sa University of Manila."
Bakit siya bumalik ng Manila?
"Kasi po naisip ko na gusto kong maiahon sa kahirapan si Papa. Kasi kapag nakikita ko siya na nagbubuhat doon, naawa po talaga ako. May mga pangarap po talaga ako," pahayag niya.
FIRST TASTE OF LIMELIGHT. Year 2007 nang bumalik ng Manila si Ejay at nakilala niya ang showbiz hairstylist na si Benjie Alipio. Kasunod nito ang pagsali niya sa talent search na Circle of 10, na pinanggalingan din noon nina Rainier Castillo at Dion Ignacio. Hindi siya nakakuha ng anumang puwesto sa naturang talent search, pero natulungan siya ni Benjie na mag-guest sa mga show ng GMA7.
"Sa ngayon po, hindi ko alam kung ano ang plano ng ABS-CBN sa akin. Wala pa po silang sinasabi. Pero gusto ko po sana kung mabibigyan ng chance na mapasama sa teleserye. Siyempre po, gusto ko sa mga action."
Paano nga pala sila nagkakilala ni Benjie?
"Yung friend po niya na taga-Pandacan, kinukuha akong model sa buhok. Kaya lang, ayoko pa noon. ‘Tapos bumalik ako ng Maynila, ‘ayun nga po. May mga pangarap talaga ako. Then, nakilala ko siya," kuwento niya.
Nagpasalamat ba siya kay Benjie pagkatapos siyang tanghaling Big Winner ng PBB Teen Edition Plus?
Hindi pa raw niya nasubukang rumampa sa isang fashion show na naka-underwear. Pero okay ba sa kanya kung kunin siya para maging underwear model?
"Kaya ko po," walang kagatul-gatol na sagot ni Ejay.
Naka-ilang girlfriend na siya?
"Dalawa pa lang po. Isa sa Mindoro, isa sa Pandacan. Pero matagal na kaming wala."
Itinanggi naman ni Ejay ang intriga sa kanya na dati siyang call boy.
"Diyos na ang bahala sa inyo. Basta alam ko sa sarili ko hindi ako yun," sabi ni Ejay.
Nakahanda na ba siya sa mga mag-aakusa sa kanya na lalamat sa kanyang pagkatao?
Original Content
No comments:
Post a Comment