PBB winner sa TV5 may show

Updated February 20, 2009 12:00 AM
http://www.philstar.com

MANILA, Philippines - Nagsimula na noong Sabado, February 14, ang third season ng teen show ng TV5 na Lipgloss prodyus ng Prime Events Force na may dagdag na namang cast at dinagdagan ng mas mainit, mas masaya at mas kakaibang kuwento sa buhay ng estudyante ng Linden High.

Dalawang PBB teen housemates ang makikigulo sa buhay ng mga Seniors na sina Rodjun Cruz (Jake), Mikee Lee (Maui), Saab Magalona (Meg), Max Eigenmann (Abby) at Kevin Lapena (Edge), PBB teen 1 Niña Jose at PBB teen 2 grand winner Ejay Falcon.

Gagampanan nina Niña ang papel na Camille Borromeo, ang isa sa anak ng may-ari ng bagong resort na pag-iikutan ng kuwento ng mga bida sa pagpasok ng summer. Si Ejay naman si Santi, ang personal assistant ni Nikko na ginam­panan noong second season ni Matt Evans at magiging bodyguard ni Meg.

Matatandaang si Niña na talaga ang gaganap sa isa sa dalawang bidang babaeng ginagampanan ngayon nina Saab at Maxine ngunit binigyan lang ng malaking break ng ABS-CBN sa My Girl.

Si Ejay naman, plano na talagang mag-audition para sa Lipgloss kung sakaling may papel na babagay sa kanya kaya laking tuwa niya para sa third season. Ito ang kauna-unahang regular television show ni Ejay.

Magkakaroon din ng special limited appearance ang EB Babe na si Lian Paz na papasok sa mundo ng mga Freshman na sina Fred Payawan (Jiggo), Carlo Guevara (Jose Mari), Lipgloss exclusive discoveries Czarina Suzara (Julivee), Mary Grace Perido (Louise), Neil Coleta (Caloy) at Zyrus Desamparado (Poknat) at TV5 Talentatong Pinoy alumni Jessa Mendoza (Carla).

Si Lian si Rose Borromeo, ang nakakatandang kapatid ni Camille at ex-girlfriend ni Christian Vasquez bilang Aldrich, ang expelled Linden instructor na patuloy ang pakikipagrelasyon sa isa sa mga Freshman na si Louise.

Pagkatapos ng Valentine opener, may ‘extra challenge’ ang hatid sa buhay ng mga tinedyer ng Lipgloss bukas ng gabi, Pebrero 21, alas sais ng gabi sa TV5.

Ipakikilala na ni Jose Mari kung ano ang tunay niyang pagkatao sa pagsali niya sa 2009 Estero dela Reina Miss Barang-Gay ngunit ang isa na siyang kalaban, ang tunay na lalaking si Poknat na naghahanap lang ng pera para pam-birthday niya. At hindi lang ang korona ang paglalabanan nila, pati ng karapatang maging escort si Caloy.

Si Meg naman, hinahabol na ng mga paparazzi para paamining siya ang tunay na girlfriend ng matinee idol na si Nikko kung kaya’t nabigyan siya ng sarili niyang bodyguard, si Santi.

Sina Aleah Domingo at Crisaldo Pablo ang director ng Lipgloss.

Source

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.