Ejay Falcon is determined to become a better actor.

ABS-CBN.com
by Arniel Serato

September 15, 2009


Sa ginawang bachelor bash ng isang magazine, rumampa ang ilang kapamilya hunks kung saan labis na tinitilian ang mga bida sa primetime ng ABS-CBN. Isa sa kanila ang Katorse star na si Ejay Falcon. Aniya, sobra siyang kinakabahan dahil first time niyang sumali sa ganuong klaseng pagrampa. Matatandaang laking probinsiya ang binata at naging susi ng kanyang tinamasang tagumpay ngayon ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Pinaghahandaan daw niya talaga ang pagrampa ng topless sa pamamagitan ng pag-wo-workout sa gym, boxing, at diet.

Sa teleseryeng Katorse naman, marami ang nakapansin na nagkaroon ng lalim ang kanyang pag-arte ngunit marami rin naman ang pumunang overacting ang kanyang ipinapakita, ano naman kaya ang masasabi niya dito? “Okay lang kasi para sa akin okay yun. Kasi si Direk Malu (Sevilla), ‘pag pangit hindi niya ipapasa yun. Sabi naman ni Direk Malu na, ‘Okay ang acting mo, Ejay.’ Tsaka kung para sa kanila hindi maganda, hayaan na sa susunod kong mga trabaho pagbubutihan ko pang lalo.”

Paano naman kaya niya hinahasa ang kanyang acting skills? “Workshop siyempre. Ako naman kasi simula na pinasok ko tong trabahong ito, gusto kong matuto, gusto ko kasing maging artista kaya lahat ng bagay gusto kong matutunan. Nagtiyaga lang ako at handa akong mag-aral, handa akong mag-workshop.

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.