Ejay Falcon insists he is not 'pikon'

by Dominic Rea | May 17, 2010 12:37 AM
ABS-CBN.com

Once and for all ay binigyang kasagutan ni Ejay ang mga isyung pinupukol ngayon sa kanya. Tulad ng isyung mahina raw ang kanyang memorya lalo na sa mga linya nito sa taping. “Hindi naman po. Sobra naman po sila. Basta, para sa akin, alam po 'yun ng mga taong naka-trabaho ko at ka-trabaho ko po ngayon na ginagawa ko rin naman pong makakaya ko, pinagsisikapan ko pongmaibigay ang best ko na maging maayos at maganda ang kinalalabasan ng mg ginagawa kong eksena dahil alam din naman po nilang mahal na mahal ko ang trabaho ko.”

Pikon daw si Ejay kaya naman halos hindi matapos-tapos ang pang-iintriga sa kanya? Ano naman ang kanyang mensahe sa kanyang mga detractors? “Kung pikon po akong tao, siguro po ay wala na ako ngayon sa showbiz. Hindi po ako pikuning tao. Minsan, siyempre, kapag may naririnig kang isyu na hindi naman po totoo, minsan nakakainis na rin po, pero sabi nga nila, kasama daw po talaga 'yan sa showbiz kaya ayun, okay na sa akin. Sa mga detractors ko, okay lang po kung talagang ayaw nila sa akin, wala po akong magagawa. Para sa akin, hindi ko na lang pinapahalagahan at pinapansin ang mga negative write-ups sa akin. Pero siyempre, tinitingnan ko rin naman po kung tama ba sila o mali, tao lang din po ako,” pagtatanggol ni Ejay sa kanyang sarili sa isyu.

Sikat at magbibida na nga si Ejay sa kanyang sariling edisyon ng Agimat na “Pepeng Kuryente.” Ano naman ang pakiramdam sa pagpapahalaga at pag-aarugang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN since nanalo sa siya Pinoy Big Brother? “Masayang-masaya po ako. Napakaraming kabataan po diyan ang gustong magkaroon ng ganitong break na nararanasan ko po ngayon, maraming kabataan diyan ang nangangarap na makuha ang ganitong blessings. Sobrang utang na loob ko po ito sa ABS-CBN, sa pagtitiwalang ibinibigay po nila sa akin. Hindi ko po inaasahang magkakaroon po ako ng sarili kong show o mapabilang po ako sa bagong set po ng bida ng Agimat,” sagot ni Ejay na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

2 comments:

  1. we'll watch pepeng kuryente, at segurado ko na mag enjoy kami dito sa canada. We're avid fans of Ejay kaya nman lahat ng kanyang mga projects ei supportado kami sa kanya. He is still new in showbiz however, he is showing versatility sa mga characters niya at talagang binigay niya ang best niya. For you Ejay, go go go, malayo pa ang mararating mo at sana tuloy tuloy ang success mo. We will be behind you and we will be a part of your undertakings. More power to you and I reiterate, we will support you all the way.
    ..... wilf34ca@yahoo.ca .... of canada. Thanks and God bless.

    ReplyDelete
  2. hi po! meron pong Momay TV Series ngayon si Ejay. sana po suportahan niyo siya at ang loveteam nila ni Queenie Padilla (anak ni Robin Padilla).
    Visit din po kayo sa thread namin para makilala niyo kaming ejaysters at syempre, si ejay din.

    http://pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=437839

    ReplyDelete

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.