Ejay Falcon looks forward to working with Queenie Padilla

by Dominic Rea | May 27, 2010 12:19 PM
ABS-CBN.com

Sa Star Magic Talents pictorials na ginanap sa Studio 4 ng ABS-CBN ay nakausap ng ABS-CBN.com si Ejay Falcon. Ayon sa aktor, hindi nagtatapos sa Tanging Yaman ang kanyang career. Currently ay ginagawa ni Ejay ang pang-limang episode ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla tiltled “Pepeng Kuryente” kasabay ang isa pang show na hindi pa raw pwedeng banggitin kung saan nito makakasama si Queenie Padilla na anak ni Robin Padilla. “I'm looking forward po na sana maging okay ang working relationship namin, hindi pa po pwedeng sabihin ang title, pero maganda po si Queenie," nahihiyang sabi ni Ejay.

Ang laking pagbabago na sa buhay ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner kaya naman malaki talaga ang pasasalamat nito sa kanyang mother network. “Sobrang nagpapasalamat po ako sa ABS sa tiwalang ibinibigay nila sa akin. Nawala man po ako ng isang taon noon, heto naman ang dami ko pong work ngayon, nakakatuwa at nakakataba ng puso.” Sa pagbuhos ng projects at patuloy na pagdami ng mga taong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya, inspirasyon diumano ito para kay Ejay upang lalong mahalin ang kanyang trabaho at maibigay sa kanyang buong pamilya ang mga pangangailangan ng mga ito. “Opo naman. Sila po talaga 'yung nagbibigay din sa akin ng lakas ng loob na pagbutihin pa lalo ang trabaho ko."

Inamin ng aktor na simula ng pasukin nito ang showbiz ay inako na nito ang ilang obligasyon at suporta para sa kanyang pamilya. “Hindi naman po lahat. Kung ano lang po ang kailangan nila, tinatanong ko naman po sila, tapos kung ano lang po ang sabihin nila sa akin, sa mama ko at sa tatay ko, ibinibigay ko naman ganoon din sa mga kapatid ko. Si Mama nga, parang gusto kong bigyan ng pwesto sa pinaka-town namin doon na ang alam ko ay magiging city na yata, 'yung lugar na magagawa niya ang gusto niya, mahilig po kasi siya talagang magluto, so, parang gusto niyang mag-karenderya, 'yun naman din ang sinabi niya sa akin. Tapos si Tatay, basta, may mga plano talaga ako sa kanilang lahat unti-unti," saad pa ni Ejay.

Magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikita ni Ejay Falcon ang kanyang totoong ama. Aminado ang sikat na aktor na may mga pagkakataong naiisip din nito ang kanyang real father at dito siya nalulungkot. “Oo naman po. Kahit sino naman po siguro, may oras po na maiisip mo siya, kamusta na kaya siya, ganun lang.” Hindi ba siya nag-effort na gumawa ng paraan para makita at hanapin ang kanyang totoong ama at this point in time na kahit papano ay mayroon na rin siyang pantustos financially? “Hindi na po...at saka matagal na panahon na po eh. May nakalakihan naman na akong ama, si Tatay at siya na po talaga 'yung nakilala kong tatay masaya na po ako kay Tatay, pinalaki po naman niya akong maayos, hindi pinabayaan kahit simpleng buhay, mahirap lang kami sa Mindoro, may mga kapatid naman na ako, masaya na ako.”

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.