Ejay Falcon happy with his "The Next Dramatic Actor" tag

Source: PEP
Glen P. Sibonga
Thursday, August 13, 2009


Una nang nabalita na sa kanilang tatlong leading men ni Erich, si Xian daw talaga ang nag-attempt na manligaw kay Erich. Pero sabi ni Erich, tipong nagpapalipad-hangin din daw sa kanya si Ejay.

So, may katotohanan ba ang palipad-hangin na ito? "Ano bang hangin yun, hanging habagat?" biro ni Ejay.

Pero may gusto ba siya kay Erich? "Si Erich nga kasi napaka-sweet, e. So, nagiging sweet din ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto diyan? Tignan mo naman, sexy, maganda, magaling. Parang lahat nasa kanya na."

So, may special feelings ba siya for Erich? "Ah... minsan... ano ba ito?" paputul-putol na wika ni Ejay. "Minsan kasi parang pinipigilan ko rin. Kasi ako talaga pag na-in love ako, nawawala ako sa focus. Baka mapabayaan ko yung Katorse, yung trabaho ko. Baka hindi na masundan yung trabaho ko. So, ayoko muna."

So, in real life pala ay may nangyayaring love triangle sa kanila nina Erich at Xian? "Ay, ano ba yan? Si Xian naman kasi hindi niya rin sineseryoso, e. Hindi naman siya masyadong yung dun lang talaga nagpo-focus lang kay Erich. Ano siya, sa trabaho rin. Kaming lahat naka-focus kami sa trabaho. Walang ganun-ganun muna. Walang ligaw-ligaw muna. Career muna kasi ngayon lang ako nabigyan ng trabaho. Ayoko namang sayangin ang opportunity."

No comments:

Post a Comment

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.