Showing posts with label Katorse. Show all posts
Showing posts with label Katorse. Show all posts

Assorted Photos from Katorse

credits to owner/uploader
(click on photos to view fullsize)

Ktext: December 10, 2009

Hi po.pupunta po ko taping ngayon. Hehe, eto rest muna sa car.nuod parin po kayo katorse..

Ejay Falcon in Sharon

Credits to EjayFalconTV
October 11, 2009


Ejay Falcon is still uncomfortable doing love scenes in ‘Katorse’

Source: ABS-CBN.com
by Fionna Acaba
| August 14, 2009 9:32 AM

In his role in Katorse, Ejay Falcon has to do some love scenes with leading lady Erich Gonzales, something he still uncomfortable with. “Naiilang ako kasi wala akong kaalam alam kaya thank you talaga kila Direk Malu (Sevilla), sa lahat ng mga tumutulong sakin kaya ko nagagawa ng tama… Hindi ko pa nae-experience kasi probinsya yun, eh, conservative mga tao dun.”

He and his co-stars have undergone a sensuality workshop to help deal with their inhibitions. “May mga pinagawa samin ni Direk Gina Alajar. May mga music, may mga sounds na pinarinig samin makakatulong daw yun, tinuruan kami kung paano mag-isip, ganito ganyan nakapikit kami habang gingawa namin yon. Practice ng mga kissing scenes pero sa sarili lang namin, sa kamay lang.” Ejay shared.

Ejay admits that he’s still a probinsyano by heart. “Pag-uwi ko dun ginagagawa ko pa rin yung mga ginagawa ko dati, nagbubuhat talaga ako ng kopra. Sabi nila na hindi na yan kaya kasi nagbago na yan. Pero kayang-kaya ko pa rin. Dun ako nabuhay, eh. Kung walang mga kopra walang mga puno sa amin, hindi ako magiging ganito. Hindi lalaki ng ganito yung katawan ko. Hindi magiging ganito yung takbong isip ko.”

After his Pinoy Big Brother Teen Edition Plus stint, it took a while before he was given projects. But Ejay said that he is more than happy with what he has right now and that everything comes at its own time. “Masaya po ako kasi naabot ko yung sobra-sobra pa sa pangarap ko. Sa amin si Robi [Domingo] lang naman yung nagkaroon ng project kagaya yung MYX, pero ako naman hindi ko naman pinangarap na maging ganon, alam ko naman na hindi bagay sa akin yan.”

Ejay Falcon happy with his "The Next Dramatic Actor" tag

Source: PEP
Glen P. Sibonga
Thursday, August 13, 2009


Una nang nabalita na sa kanilang tatlong leading men ni Erich, si Xian daw talaga ang nag-attempt na manligaw kay Erich. Pero sabi ni Erich, tipong nagpapalipad-hangin din daw sa kanya si Ejay.

So, may katotohanan ba ang palipad-hangin na ito? "Ano bang hangin yun, hanging habagat?" biro ni Ejay.

Pero may gusto ba siya kay Erich? "Si Erich nga kasi napaka-sweet, e. So, nagiging sweet din ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto diyan? Tignan mo naman, sexy, maganda, magaling. Parang lahat nasa kanya na."

So, may special feelings ba siya for Erich? "Ah... minsan... ano ba ito?" paputul-putol na wika ni Ejay. "Minsan kasi parang pinipigilan ko rin. Kasi ako talaga pag na-in love ako, nawawala ako sa focus. Baka mapabayaan ko yung Katorse, yung trabaho ko. Baka hindi na masundan yung trabaho ko. So, ayoko muna."

So, in real life pala ay may nangyayaring love triangle sa kanila nina Erich at Xian? "Ay, ano ba yan? Si Xian naman kasi hindi niya rin sineseryoso, e. Hindi naman siya masyadong yung dun lang talaga nagpo-focus lang kay Erich. Ano siya, sa trabaho rin. Kaming lahat naka-focus kami sa trabaho. Walang ganun-ganun muna. Walang ligaw-ligaw muna. Career muna kasi ngayon lang ako nabigyan ng trabaho. Ayoko namang sayangin ang opportunity."

Katorse Full Trailer

Uploaded by LovesEjayFalcon
July 2008

Ejay's KTEXT

Posted by Sis Alyn in PEX
July 8, 2009



inumaga na kami sa taping ng Katorse. abangan nyo po, malapit na

Ejay's KTEXT

Originally Posted by savvydude in PEX
July 3, 2009




Good morning po! taping kami 2day ng Katorse. ako yung nakatalikod dito and im with Erich! thank God it's friday!

Katorse Behind-The-Scenes

June 25, 2009
Posted in PEX
Credits to Omar (Karim)







Ejay Falcon kinabahan sa kissing scene nila ni Erich Gonzales

by Rachelle Siazon | May 26, 2009 7:49 AM |

Bago pa man nakapanayam ng ABS-CBN.com ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Big Winner na si Ejay Falcon ay nabanggit na ni Erich Gonzales ang tungkol sa pagsabak nila sa kauna-unahan nilang onscreen kissing scenes at love scene sa Katorse. Sinabi rin ng dalaga na mula noon ay inaasar na siya ng young actor na, “Naku Erich, ang galing-galing mo (humalik)!” Hindi naman na-offend ang dalaga dahil biruan lang naman nila ito. Ngunit nang banggitin ito ng ABS-CBN.com kay Ejay ay halatang nagulat ito na umabot na ang balita sa mga reporters. “Hindi... Ano ba yan Erich bakit mo sinabi? Erich naman o, sikreto yun eh!” natatawang umpisa ni Ejay.

Aminado ang binata na hindi naging madali sa kanila ang pagkakaroon ng kissing scene na sa pagkakatanda niya ay dalawang beses nilang kinailangang gawin ayon sa script. Kwento pa ni Ejay, kabado daw siya noong una dahil alam niyang wala pang karanasan sa mga ganoong bagay si Erich. “[Yung kissing scene], first time ko on TV. Nung workshop pa lang namin sinabi niya na ako yung parang magiging first kiss [niya]. Kinabahan ako kasi siyempre hindi pa siya marunong. [Pero] hindi ko siya tinuruan. Nag-workshop naman kami tungkol dun. So nagawa naman namin ng tama tsaka sabi ni Direk (Malou Sevilla) ok naman yung kinalabasan.”

Nakarating din kay Ejay ang balitang tila pinagselosan siya ng kanilang co-star na si Xian Lim (dating ka-love team ni Alex Gonzaga sa Your Song Presents My Only Hope) na ‘di umano ay isa sa mga suitors ni Erich ngayon. “Hindi, alam na niya yun eh, story conference pa lang. Ewan ko, hindi naman niya sinasabi. Basta wala naman akong gagawing masama kay Erich. Hindi ko naman sasamantalahin yung pagkakataon.” Kung saka-sakali mang nagkakabutihan na sina Xian at Erich ay happy naman daw siya para sa dalawa. “Hindi ko pa alam pero kung ganoon man, basta gusto nila yung isa’t isa, bakit hindi? Wala naman akong karapatan para pigilan sila ‘di ba? Basta sa akin professional lang, trabaho lang,” giit pa niya.

Nang tanungin namin siya tungkol sa kanyang love life ay diretso naman niyang sinagot na hindi natuloy ang blooming romance sa pagitan niya at ex-housemate na si Valerie Weigmann. “Matagal na kaming walang komunikasyon. Wala pa akong nililigawan sa ngayon, hindi ko pa iniiisip ‘yan. Priority ko kasi yung family tsaka career ko. Since nagsisimula pa lang ako sa showbiz, mas magandang dun muna ako mag-concentrate. Tsaka ‘yang love life, darating din ‘yan sa tamang panahon.” Kung meron man siyang hinahangaang celebrity, sino kaya yun? “Marami eh. Lalo na dito sa ABS-CBN madaming magaganda. Katulad ni Cristine Reyes siguro, nasa kanya na lahat eh,” dagdag pa ni Ejay.

Sa huli ay masayang ibinahagi ni Ejay ang kanyang pasasalamat sa lahat nang patuloy na sumusuporta sa kanya mula noong sumali siya sa PBB. “Nakakatuwang marinig na ngayon pa lang excited na yung ibang manonood na makita kami nila Erich at Xian sa Katorse. Sana ay umpisa pa lang ito ng mas maganda pang blessings para sa aming tatlo.”

Source

DISCLAIMER

All videos, photos and articles posted in this site belong to their respective owners. This is a fansite and we don't claim ownership of any of the videos, photos and articles herein unless otherwise specified.